Linggo, Hulyo 5, 2015

MGA BAYTANG NG BUHAY

       
                                                           
 - mga kababaihang muslim sa Malaysia



          Ayon sa tinalakay, ang mga Malaysian o Muslim ay mayroong tinatawag na baytang ng buhay.
Ito ay nahahati sa apat: Una, Ikalawa, Ikatlo at ang Ikaapat.

Unang baytang

 KABATAAN O CHILDHOOD
   

                Ayon sa website na http://tl.muslimvillage.com/2013/11/06/45021/period-youth/ (isinalin sa tagalog mula sa http://www.inter-islam.org/ )  na tumutukoy sa buhay ng mga Muslim, ang unang baytang ay tumutukoy sa kanilang kabataan o Childhood. Ito ay ay maaring tumagal sa loob ng 13-14 na taon.

      Para sa kanila, ang Unang Baytang o ang kanilang panahon ng kabataan ang pinaka mahalaga sa lahat ng baytang.  Dito kasi sa baytang na ito, nahuhubog ang kani-kanilang pagkatao o nabubuo ang kanilang pagkatao bilang Muslim. Sa panahon na ito, nagkakaroon sila ng pagkakataong mamili kung ano ba talaga ang kanilang patutunguhan: sila ba ay mapapasama o mapapabuti? Dito rin sa panahon na ito hinahasa ang kanilang pagiging Muslim at ang tumutukoy kung paano ba niya ipagpapatuloy ang pagiging isang Muslim.


Ikalawang baytang

ADOLESENCE O YOUNG ADULTS PERIOD
       



             Ayon sa mga datos sa parehong website, ang ikalawang baytang ay tumutukoy sa panahon pagkatapos ng kanilang kabataan. Ito ay tumatagal ng 6-8 taon pagkatapos ng unang baytang depende kung kailan siya makahanap ng mapapapang-asawa.  Dito sa panahon na ito, iini-aaply o isinasabuhay nila ang kanilang natutunan sa kanilang kabataan. Dito makikita kung ano ba ang kanilang natutunan sa kanilang kabataan at kung paano nila ito dadalhin sa kanilang pag-tanda.

Ikatlong baytang


PANAHON BILANG MAG-ASAWA HANGGANG TUMANDA

               Pagkatapos ng ikalawang baytang na tumigil hanggang sa kanilang pag-hanap na kanilang mapapang-asawa, dito naman papasok ang ikatlong baytang kung saan sila ay naging mag-asawa at magkakaroon ng pamilya. Sa baytang na ito, mayroon na silang sariling buhay na kanilang ipagpapatuloy at ipamamana sa kanilang magiging mga anak. Ang kanialng mga anak naman na kanila ring tuturuan ukol sa unang baytang ng kanilang buhay bilang Muslim.

Ikaapat na baytang 

KAMATAYAN


                Katulad ng lahat na patutungauhan ng ibang tao, sa Muslim ito rin ang ikaapat at pinaka-huling baytang ng kanilang buhay. Dito na sila haharap sa kanilang Diyos na si Allah. Dito rin magaganap ang hatol sa kanilang buhay bilang isang Muslim.


          

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento